Home » Post Item » 4 miniway
4 miniway
July 3, 2007 Minsan ganun talaga ang buhay.
Minsan gusto mo nang ikaw na lang mag maneho ng kotse, umupo na lang sya sa tabi mo at ikaw na bahala na makaabot kayo sa patutunguhan.
Kasi parang ang tagal nyang naka preno, bumubusina na mga truck sa likod nyo ang bagal pa rin nyang mag paandar ng kotse. May karatula ba ng A1 sa kotse nya?
Green na ata ang traffic light, bat di pa rin kayo umaandar? May gas naman ang tanke. May charge ang battery. May babaeng MMDA bang nagpatigil sa inyo? Or naka preno pa rin sya? O baka pareho, may MMDA na may preno pa, san naman kayo makakarating nyan!?
Minsan baka nga maisip mo pa na kung ikaw nga ang magmaneho, bilisan mo pagpatakbo ng kotse baka naman matakot sya, bumaba at mag hanap ng taxi or jeep.
Minsan maiisip mo rin na sana di ka na lang naki sakay sa kotse nya. May jeep naman. May bus. May MRT. May tricycle sa kanto. Bat sya pa. Bat sa kotse pa nyang ang bagal.
Minsan ganun eh, wala na akong masasabi pa kundi:
Enjoy mo na lang ang byahe. Magpatugtog ka ng radyo, sabayan mo and PCD sa pagkanta at malay mo sabayan ka rin nya kumanta.
Stopover kayo sa Petron, magkape ka muna at kumain ng siopao. Alukin mo sya, baka gutom na rin sya.
Kwentuhan mo sya, magpa kwento ka rin.
Picturan mo ang scenery, picturan mo sya.
Makarating man kyo sa patutunguhan nyo or hindi, umabot man kayo sa destinasyon nyo o mapalihis ng daan at sa ibang lugar pampadpad, ang importante ay nag enjoy ka sa byaheng kasama sya.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


