Home » Post Item » Mga 1st
Mga 1st
July 10, 2007 1st bag – Unang bag na nabili ko, nabili ko sa pabalik balik ko from killing flymns, young flymns and wings. Isang bag lang kasi meron sa start ng game eh wala akong mahingian ng pera, so yun… ilang beses ko napuno yung bag ko at ilang beses din ako bumalik balik sa NPC para maka loot ulet. Siguro wala pang 5k Dalant ang naloloot ko sa 1 bag ko nun. Api! Naloot ko na mob ko, na lootan ko na rin ang ibang players, pero sige lang until makabili ng bag sa NPC. After nun mas mabilis nang mag ipon.
1st kill – Unang kill ko is a Young Flymn (malamang). Pero on this case di ako nag cast ng spell. Napatay ko yung Young Flymn sa kahahataw ko ng staff sa kanya. Di ko pa alam na gagamitin ko yung reavers na binigay sa akin hehehe
1st look sa MAU – yung shop na pingalalaruan ko noon walang scroll ang mouse, so isipin mo na lang kung gaano ako nagka duling duling noon. Habang bumibili ako ng pots sa Potions NPC, syet biglang yumanig ang paligid ko at may maingay na stomping sound (naka earphones ako nun so medyo nakakagulat), pag ikot ko ng mouse Ohmygaligashohwow higante! Di ko pa alam na MAU ang tawag sa kanila that time.
1st guild – CARNAGE, ka shop ko kasi sila Amag, Kas, Kaye, Ace at kung sino sino pang unang members ng CARNAGE kaya na extra ako dun. Si MightyPututy pa ang kasabayan kong makipag habulan sa Grumble Hook sa may Outpost. Ito ang guild na binubuntutan ko ang members sa BH. Sweep kung sweep.
1st Brath Killing – for Bellato Nexus. Kasama ako sa party noon. CARNAGE pa ako, together with TOPFLITE, MightyPututy, xAzrayeLx, 66, 99, Mart0n, etc (Sorry sa nakalimutan ko). Di ko alam ang drops pero ang saya.
1st elem – Nasali ako sa BH nila Cerberus at xAzrayeLx noon, Chilo Pit Boss. Syempre kanila ang loots ang lalakas nila eh ako hamak na low level lang nun. Then biglang nag deal sa akin si Cerberus, sabi nya akin na lang daw yun bibigay nya. Ako naman “wow nice ring, kakaibang kulay, light blue at kumikinang pa!” Nag thank you naman ako bago bumuntot sa next boss na ki-kill. Saka ko na lang nalaman na Elemental na pala un. 15 atk/15 def.
1st step sa Ether – Nagtatago pa kmi sa saya ni xAzrayelx nun. Di pa kasi namin kaya yung mob. Ang lalakas kasi ng Caliana noon at di pa gaano maayos ang armor ko. Jyle ang una kong pinagpapapatay para magkaroon ng map for my quests. Ang lamig pala sa Ether, nakakasilaw din ang snow, pero panalo sa loots at xp.
1st lvl 47 girl Archmage (Bellato Nexus) – First ako na magsuot ng blue-black level 47 girl Mage armor. Ang dami nag p-pm sa akin at that time. Tinatanong if anong level ko na at if level 50 na ba daw ako. Hahaha kakaiba din kasi ang level 47 girl mage na armor, ibang iba sa boy version. Ang ganda! Nung nag level ako halos lahat ng online na member ng Curse guild nag punta sa HQ para makita ung damit ko. Sabi nga nila, 1st time nila makakita ng level 47 girl Mage (see may nasingit pang 1st nila)
… to be continued
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


