Home » Post Item » Ang Alamat ng Jyle
Ang Alamat ng Jyle
July 22, 2007 Nagtataka ka ba bakit ang ibang Jyle walang Mapa na drops?
Noong unang panahon halat ng Jyle may mapa. Armory 213, Armory 117, Haram Stockade, Numerous at iba pa. Ang pag likha ng mapa and likas sa mga Jyle, ang talentong ito ay ipinasa mula sa kanilang mga kanuno-nunuan. Talagang magaling lumikha ang mga Jyle ng mapa, kaya’t di nakapagtataka na maraming Accretian, Bellato at Corite na naghahangad mapasa-kamay ang mga mapang ito.
Isang araw may isang Jyle na nagngangalang Jylejylani ang nagpasimuno ng isang rebelyon. Nilipon nya ang lahat ng sambayanang Jyle para sa isang rebolusyong kontra sa Map grabbing (Map quests).
“Tama na, sobra na, palitan na! Pagod na ako sa mga karahasang dinadanas natin sa mga kamay ng mga questors. Katumbas ba ng buhay natin ang mga mapa na ito?” mungkahit ni Jylejylani.
“Hindi!! Hindi! Tigilan ang pang-aapi!!!” sigaw ng sambayanan.
“Halika mga kapatid kong Jyle, pagpupunitin natin ang ating mga mapa! Maging malaya tayo sa mga Questors na yan! Wag tayo magpatalo sa mga panget na Questors!” madamdaming pahayag ni Jylejylani.
“Mabuhay ang kalayaan ng mga Jyle!!!” Sigaw ng lahat habang pinupunit nila lahat ang kanilang mga mapa.
Umuwing masaya ang mga naghimagsik na Jyle. Lingid sa kaalaman ni Jylejylani, merong mga iilan na naiwan sa kanilang mga tahanan. Hindi sila naka dalo sa paghihimagsik dahil sa himbing ng tulog nila, graveyard shift kasi sila kaya tulog kapag umaga.
Simula noon may mga Jyle na walang mapa, ito ang mga dumalo sa pagtitipon ni Jylejylani. Hindi na nila naipasa ang kaalaman ng paglikha ng mapa kasi ang instructions ay nasa likod ng mga pinunit na mapa. Ang mga Jyle na nakatulugan ang rebulusyon na lamang ang nagdadala ng mapa.
Previous Comments
Hahaha thanks po ^^
Posted by chicha at July 24, 2007, 8:08 pmHahahaha. pero ang cute talaga ng jyle. Sarap gawing fish balls.
Posted by Hubport at August 9, 2007, 5:41 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



Asteeeeeeegggggg na story, Chicha!!! Napatawa ko ng di-oras dito ^_^
Bat wala to sa War Stories Section? Sure ako magiging hit to!!!
- Rianos
Posted by Rianos at July 24, 2007, 5:27 pm